By Frances Pio
––
Magkakaroon na naman ng rollback sa presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo, sinabi ng opisyal ng Department of Energy (DOE) nitong Biyernes.
“Mataas ang indication na magkakaroon tayo ng rollback sa gasoline at diesel, ang sigurado na tayo talaga, ang diesel P1 to P2 (per liter) ang ine-expect natin diyan na rollback and sa gasoline, more or less P4 (per liter),” DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad.
Sinabi ni Abad, gayunpaman, na ang paggalaw sa presyo ng kerosene ay nananatiling hindi tiyak.
“Ang alanganin diyan ay kerosene. Hindi ako sigurado kung may pagtaas nang kaunti or may pagbaba ng kaunti or probably, zero [changes],” dagdag pa niya.
Noong Martes, Hulyo 12, ibinaba ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng gasolina sa P5.70 kada litro, diesel ng P6.10 kada litro, at kerosene ng P6.30 kada litro.