Share:

Maglalaan ng pondo ang pamahalaan para sa sektor ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila galing sa Bayanihan 2, ito ay magsisilbing tulong para sa mga tsuper ng pampublikong jeep at bus na kinakailangan ng mga mamamayan sa kanilang pagbiyahe at pagpunta sa iba’t ibang lugar araw-araw sa kabila ng pandemya.

Ang perang matatanggap nila ay tulong dahil sa pagkalugi ng mga tsuper sa pagkakaroon ng ipinapatupad na social distancing sa pagsakay sa kanilang mga sasakyan sa pamamagitan ng service contracts. Dahil nga sa patuloy na pagkalat ng virus ay kailangan panatilihin ang social distancing sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon.

Nagbigay naman ng pahayag si LTFRB chairman Martin Delgra III sa panayam ng ANC sa kanya. “We know that they have been out of work for several months, and even if they have gone back to plying the routes given to them, they still have difficulty in terms of earning considering the pressure on social distancing,” ani niya.

Ito ay patuloy pa ring pagaaralan kung tuluyan itong maipapasa para makatulong sa mga tsuper lalo na sa panahon ng pandemya. Ang pagbabayad naman ay ibabase sa bilang ng oras kada araw na ilalaan ng mga tsuper sa pagmamaneho.

Mahigit 3 bilyong piso ang nakalaan para sa mga jeepney drivers at 2.58 bilyon naman ang para iba pang tsuper ng pampublikong transportasyon.

Leave a Reply