Ang anumang pagkaantala sa proseso ng pamamahagi ng tulong pinansyal ay ipapa-abot sa opisina ng Ombudsman para sa agarang aksyon, binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.
Sinabi ito ni Duterte sa kanyang panawagan sa mga departamento na nagpapatupad ng mga cash assistance program upang gawing simple ang proseso ng pagbibigay ng tulong sa publiko.
“Ang gusto kong mangyari ay ito. Pasimplehin ang pagbibigay ng pera. Kung nagsabi ito para sa pagkain, sumpain ng Diyos, ibibigay mo ito dahil kung ito ay para sa pagkain, kakainin yan. Lahat ng tulong na konektado sa kalusugan ng isang tao, gawin ninyo, iwasan madelay,” sinabi ni Duterte sa isang recorded tape na ipinalabas nitong Martes
“Pag hindi at nag-report ang isang tao sa akin, yung report niya diretso na yun sa Ombudsman para sa agad maaksyunan. Maaaring suspindihin ka ng Ombudsman anumang oras na may matibay na dahilan o may mahinang rason, mayroon silang kapangyarihan dun,” dagdag niya.
Ang mga lugar sa bansa ay isinasailalim sa community quarantine upang masugpo ang coronavirus o COVID-19, namahagi ang gobyerno ng cash aid sa mga mahihirap na pamilya na lubos na naepektuhan.
Sa pangalawang bahagi ng social amelioration program ng pamahalaan, 98 percent sa 14 milyong mga beneficiaries ang nakatanggap, na naglalaan ng P5,000 hanggang P8,000 cash assistance.