By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posible pa ring asahan ng karamihan ang pag-ulan ngayong Linggo dulot ng low-pressure area sa Southern Leyte.
Ayon sa weather specialist ng PAGASA na si Grace Castañeda, makakaranas din ang malaking bahagi ng Luzon ng pag-ulan.
“Malaking bahagi pa rin ng Luzon ang makakaranas ng pagulan, kung saan meron tayong mga kalat-kalat hanggang sa mga malawakang pagulan sa bahagi ng Bicol Region at Quezon,” aniya.
Malaki ang tiyansa ng pag-ulan aniya at magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila habang sa nalalabi pang lugar sa CALABARZON (Region 4A), bahagi ng MIMAROPA, at Aurora ay mayroon din pag-ulan.
“Samantala meron din tayong mga pagulan na mararanasan sa mga nalalabi pang Calabarzon, bahagi ng Mimaropa, Aurora, at dito rin sa Metro Manila magiging maulap ang kalangitan na may mataas na tiyansa ng pagulan, pagkulog,” ani Castañeda.
Ito ang mga temperaturang saklaw sa mga sumusunod na lugar sa bansa ayon sa PAGASA:
- Metro Manila: 23 to 29 degrees Celsius
- Baguio City: 14 to 25 degrees Celsius
- Laoag City: 21 to 30 degrees Celsius
- Tuguegarao: 18 to 30 degrees Celsius
- Legazpi City: 23 to 28 degrees Celsius
- Puerto Princesa City: 25 to 30 degrees Celsius
- Tagaytay: 20 to 28 degrees Celsius
- Kalayaan Islands: 25 to 31 degrees Celsius
- Iloilo City: 25 to 29 degrees Celsius
- Cebu: 24 to 29 degrees Celsius
- Tacloban City: 23 to 27 degrees Celsius
- Cagayan De Oro City: 24 to 27 degrees Celsius
- Zamboanga City: 24 to 29 degrees Celsius
- Davao City: 24 to 30 degrees Celsius