By Christian Dee
MAYNILA – Malapit nang dumating ang panahon ng tag-init sa bansa, ayon sa isang weather specialist mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni PAGASA weather forecaster na si Benison Estareja na nalalapit na ang pagtatapos ng panahon ng amihan o ang northeast monsoon.
“Maaaring sa susunod na linggo hanggang sa mga huling araw ng Marso ay magsimula na ang tinatawag natin na warm, dry season o tag-init sa Pilipinas,” aniya.
Inaasahan na rin na unti-unti nang tataas ang temperatura sa bansa kaya payo ni Estareja na enjoy-in na ang kasalukuyang malamig na panahon.
Kamakailan lamang ay pinal nang nagtapos ang panahon ng La Niña sa bansa, batay sa abiso ng PAGASA.
Na-predict naman ng PAGASA na posibleng pa ring mangyari ang kahit isang tropical cyclone sa loob ng kasalukuyang buwan.