Share:

Inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na magpapatuloy hanggang Semana Santa ang pagbabakuna sa lungsod ng Maynila

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagbabakuna ay itutuloy ng pamahalaang lungsod kahit na Semana Santa.

“Patakaran ng lungsod na mag-deploy ng mga bakuna basta mayroon silang supply sa mga nais na ma-inoculate,” ani Domagoso.

Sinabi ni Domagoso sa isang text message sa Manila Bulletin nitong Martes Marso 30, hangga’t mayroong hawak na bakuna ay tuloy-tuloy ang pagbabakuna . “Lunes hanggang linggo,walang holiday sa amin”, aniya.

Dagdag ng alkalde, kung gaano kabilis kumalat ang impeksyon ay ganun din dapat kabilis ang pagbabakuna kung mayroong magagamit na bakuna.

Ang lungsod ng Maynila ay nagbakuna hanggang noong Martes ng 22,340 na mga frontliners, mga manggagawa at mga senior citizens.

Samantala, sa Miyerkules Marso 31 ay uumpisahan na ng pamahalaang lungsod ang pagbabakuna sa mga residenteng may comorbidity na may edad 18-59 taong gulang

Leave a Reply