Share:

By Frances Pio

––

Sinusuportahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-require ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa senior high students, sinabi ng pinuno ng ahensya nitong Martes.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III na handa ang Komisyon na magsumite ng kanilang mga panukala ng mga rebisyon sa ROTC at National Training Service Program (NSTP) sa Pangulo at sa Kongreso.

“100% full support kami diyan sa statement ng ating Pangulo dahil matagal na naming pinag-aaralan ito. In fact, four years ago, mayroon na kaming plano o nakahanda na kung ano ang mga revision na mangyayari sa NSTP ‘pag nagkaroon ng ROTC sa Senior High,” ayon sa kanyang pahayag sa isang public briefing.

Kung kinakailangan ang ROTC para sa mga senior high students, ang kasalukuyang optional two-year training sa university level ay gagawing “advanced ROTC program,” sabi ni De Vera.

Sa bagong programang ito, ang mga estudyante ay maaaring makakuha ng mga diploma at certificates, at maaari na rin silang maging mga opisyal na maaaring ma-recruit sa Armed Forces of the Philippines o sa Reserve Corps.

“Mayroon kaming handa na na propposal, anytime pwede naming ibigay sa Pangulo o sa Kongreso na ‘yung 2-year program ng ROTC sa university level ay mako-convert into a certificate or a diploma program,” sinabi ni De Vera.

Sinabi ni De Vera na inihahanda na ng CHED ang panukala nito, kasama na ang proposed syllabus para sa diploma program.

Ang programa, aniya, ay magiging “heavily skills-based,” partikular sa disaster management.

Sinabi ni De Vera na nakipag-ugnayan na ito sa mga unibersidad at kolehiyo gayundin sa kani-kanilang local government units sa pagsasanay ng mga mag-aaral sa usapin ng disaster response.

Leave a Reply