Simula noong ika-5 ng Mayo, ipinahinto na ng National Telecommunications Commision (NTC) ang pagere ng ABS-CBN. Matapos ng dalawang buwan ay sinunod narin ang cease-and-desist orders para ipahinto narin and digital and satellite platforms ng kompanya.
Nitong Lunes napagusapan naman ng House committees on legislative franchises and good government and public accountability ang di umanoy “bias” na pamamalita ng ABS-CBN Network.
Isa si Senator Nancy Binay ang nagsalita patungkol sa usapang ito,
“Kung mga hugot at hinanakit lang naman about negative stories ang pag-uusapan tungkol sa network, winner at topnotcher na ang pamilya namin. What kept us grounded is that we knew what was true, legit and factual versus the yarn of lies against our family,”
“Despite the treatment we received, I always believe freedom to information and access to information are the bigger pictures in a democratic space,”
Ayon sa Senadora, hindi man umano maayos ang mga ipinahayag ng ABS-CBN sa kanilang pamilya nais padin niya mabigyan ng permiso ang network na makapag renew ng kanila franchise.
“But whether you’re in media or politics, what’s important is to transcend beyond personal biases and take to heart your commitment and responsibility to people and country,”
Maging umano ang kanyang ama na dating Vice President Jejomar Binay, ay nakasuporta sa pagpapatuloy na pagpapahayag ng ABS-CBN dahil sa paniniwala na ang kalayaan para magbalita ay isang parte ng demokrasya