Ang mga motorista ay nangangamba sa disgrasya na maaring maidulot ng barrier na kanilang ilalagay sa pagitan ng driver at angkas, kaya naman isa itong kompromiso sa kanila laban sa corona virus.
Ang gobyerno ng Inter Agency Task Force (IATF) ang siyang nagbigay utos sa protective dividers upang maiwasan ang paghawa ng virus o magkaroon ng Physical distancing.
Ito ang basihan nila para maiwasan ang interaksyon ng daloy ng hangin at katawan ng driver sa sakay nito. Naka base umano ito sa Science at Engineering Community.
Ayon sa Philippine Society of Mechanical Engineers PSME Ito ay tinatawag na fluid dynamics or aerodynamics.
Dagdag pa ng PSME itong barrier na ito ay hindi makakasigurado na protektado ang dalawang riders sa pagkalat ng virus ng dahil sa hangin.
Ang National government ay pinayagan na magsakay ang dalawang pasahero sa iisang motor para makapag travel siguraduhin lang na mayroong proteksyon sa kanilang dalawa para hindi malabag ang social distancing.
Bagamat ngayong biyernes ay nagextend ang interior department sa deadline ng paglalagay ng mga rider ng divider hanggang ika-31 ng Hulyo.