Share:

By Frances Pio

––

Inutusan ng Quezon City Court ang National Telecommunications Commission (NTC) na itigil ang pagharang sa independent media outlet na Bulatlat habang hinihintay ang pinal na desisyon sa kaso.

Sa desisyon nitong Agosto 11, 2022, pinagbigyan ni Judge Dolly Rose Bolante-Prado, ng Quezon City Regional Trial Court Branch 306, ang aplikasyon ng Bulatlat para sa pagpapalabas ng writ of preliminary injunction laban sa NTC memorandum, na humarang sa pag-access sa website ng news outlet.

“Evidently, there is violation or curtailment of plaintiff’s (Bulatlat) right to free speech and of the press when its publisher’s and readers’ access to its website was limited,” ayon sa inilabas na utos.

“To the Court, any limitation or restriction in the exercise of one’s right, no matter the extent, and for even minimal periods of time, is a form of deprivation, and clearly, a violation of such right,” ipinunto pa ng korte.

Ibibigay lamang ang writ kung ang Bulatlat ay mag-post ng P100,000 na bond, sa pamamagitan ng cash o ng isang surety. Ang desisyon ay sinabi na ang bond, “will answer for the damages the defendants would suffer because of the injunction” kung lumabas na hindi karapat-dapat ang news outlet sa bigyan nito ng korte.

Isang utos mula sa NTC noong Hunyo 8 ang inilabas para i-block ang website ng Bulatlat at 25 na iba pa.

Nilagdaan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang kautusan sa kahilingan ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon.

Ang mga website ay “napag-alaman na kaakibat at sumusuporta sa mga terorista at organisasyong terorista.” Base sa ulat ng NSA.

Leave a Reply