Share:

Siniguro ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pamilya ng biktima ang pagaasikaso sa kaso nang pagkamatay ng isang transgender na pinatay sa Quezon City.

Aniya nakikipagcoordinate na sila sa pamilya ni Ebeng Mayor na isang online personality na tatlong araw nang nawawala.

Naniniwala ang Transman Equality and Awareness Movement – Philippines na isa itong kaso ng panggagahasa

Ayon sa Commission on Human Rights (CHR) hinihikayat nila ang gobyerno na imbestigihan nila ang kaso habang ginagawa din nila ang sarili nilang pagimbestiga
Dagdag pa ng CHR ang pagkamatay ni Mayor ay isang patunay na dapat nang ipatupad ang Sexual Orientation and Gender Identity Equality (SOGIE) bill upang mabigyan pansin ang mga diskriminasyon sa lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual (LGBTQIA+) community.

Leave a Reply