Share:

Sa isang panayam ng ABS-CBN News netong Martes kasama ang Baguio City Mayor na si Benjamin Magalong nabanggit na hindi nito tatanggihan ang pangulo kung sakaling hindi ito bigyan ng permiso na umalis sa pwesto.

Bagamat nabanggit ni Magalong na ang kanyang pagsampa ng kanyang pagalis sa pwesto ay di na maaring magbago, pinaliwanag niya na kung ang pangulo ang tatanggi ay hindi niya ito maaring talikuran.

“Well it is a situation where no one can refuse if the President tells you to stay and perform your job. I cannot refuse the President,”

Bagamat nagkaroon ito ng isyu tungkol sa isang pagtatanghal sa kanyang lungsod, nais parin pagkatiwalaan ng pangulo si Magalong sa kanyang tungkulin bilang isang contact tracing czar.

Inamin din niya ang kanyang pagkukulang sa pagkakataon na iyon at nais niyang panindigan ang kanyang resignation sa pagtanggap niya sa pagkakamaling ito.

Leave a Reply