By Christian Dee
MAYNILA – Tuwing Enero 20, idinaraos ang Pista ng San Sebastian sa Barangay Pinagbuhatan Pasig City, kaugnay ang pagpapasara sa ilang mga daan sa lugar para bigyang daan ang prusisyon ng imahen ng patron.

Photo source: Sheryl Padilla Sabequil/Facebook
Dinagsa ng mga deboto ng San Sebastian ang “Pagoda Walk” na tradisyon na ng mga residente sa nasabing lugar noon pa man.
Ang paglalakad ng mga namamanata sa kanilang patron ay tradisyunal na idinaraos na may kasamang basaan ng tubig, gaya sa iba pang mga selebrasyon.
Ika-451 na taon nang ipinagdiriwang ng Kapistahan ng San Sebastian ngayong araw, at muling nagunita ito matapos ang dalawang taon na paghinto.
2020 pa nang huling maganap ang naturang paglalakad kaya muling nanabik ang mga namamanata na umindak sa kahabaan ng prusisyon habang iwinawagwag at binabasa ang imahen ng patron.
Kahapon, Enero 19, ang mga replika lamang ng imahen ang ipinarada na may kasama ring basaan, habang sa mismong araw ng pista ay ang tinuturing na orihinal na imahen ng San Sebastian na mula sa parokya nito lamang ang ipinarada.
Sa abiso ng trapiko na inilabas ng Pasig Public Information Office, ang mga sumusunod na kalye ay ipinasara para sa nasabing selebrasyon:
- Urbano Velasco Ave.
- M.H. Del Pilar St. (from Palatiw Bilog to Urbano Velasco Ave.)
Bukod dito, inasahan din ang trapiko sa mga sumusunod:
- N. Cruz St.
- Sandoval Ave.
- Mercedes Ave.