Share:

Nang dahil sa aberyang dulot ng RFID system sa Valenzuela, ipinahayag ni Romulo Quimbo, chief communication officer ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang pagpapatupad ng “barrier-less” na tollway sa mga toll gate ng lungsod.

Kahagip nito ang pagsususpinde din ng Valenzuela City sa suspention order ng business permit ng North Luzon Expressway (NLEX).

Nabanggit din ni Quimbo na nakatutok din ang technical working group doon sa traffic management team upang mapagaralan ang mga pwede bang gawin upang maiwasan muli ang mabigat na daloy ng trapiko sa Valenzuela.

Maliban dito nabibilang din and DOTr at si Secretary Tugade sa gagawa ng mga pagsusuri sa ikaayos sa naging problema sa tollways.

Leave a Reply