Share:

Nitong Miyerkules ang Russian Ambassador na si Igor Khovaev ay nabanggit ang kagustuhan ng Russia na makipagugnayan sa Pilipinas sa pagsasagawa ng bakuna laban sa Covid19.

Sa isang medical journal ng Britain nabanggit nila ang magandang resulta ng sinagawang test sa Sputnik V ng Russia.

Ayon kay Khovaev, makakasiguro umano na ang bakuna ay ligtas at mabisa.

Nasa ilalim pa ngayon ng Department of Science and Technology ang bakuna upang gawin ang phases 1 and 2 trials nito.

Netong nakaraang Agosto, nabalita na isa ang Pangulong Duterte na nagpresinta upang subukan ang sinabing bakuna para maging patunay ang bisa at ligtas itong Sputnik V.

Sa ngayon wala pang bakuna ang nasabing makakapagpagaling sa kumakalat na covid19 o sa tinatawag na coronavirus.

Sa kabilang banda, umabot na ng 245,143 na ang nag positibo sa Covid19 sa bansa na itinatalang pinaka mataas na bilang sa buong Southeast Asia.

Leave a Reply