Nitong Sabado idiklara ng Department of Interiornand Local Government (DILG) ang petsa kung saan nakasaad ang huling araw ng road clearing operations para mabigyang daan ang LGU sa isasagawang mass vaccination.
Ayon sa Interior Department Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya kailangan mabigyab ang mga LGU ng panahon para bigyan ng pansin ang pagaasikaso sa planong pagbibigay ng bakuna sa kanilang karapatang lungsod.
Mula sa unang plano na January 15 ngayon ay pinahaba pa ito hanggang February 15.
Nabanggit din na ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagutos nito upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila.
