Bago pa maisabatas ang Anti-Terrorism Act usapin na sa bansa ang pagsasagawa nito.Naging bulong bulungan sa publliko ang nagbabadyang pangaabuso ng kapangyarihan sa pagtupad sa bagong batas.
Marami ang nagpestisyon sa kagustuhang hindi ito matuloy at sa mga pangambang maaring mangyare sa pagusad nito.
Nakahain na sa Korte Suprema laban sa Anti-Terrorism Act of 2020 ang labing anim na petisyon.
Nitong Huwebes ang sinasabing labing anim na petitioner na naghain ng kani kanilang petisyon kontra sa Anti Terror law ay dumagsa na sa Harap ng Korte Suprema.
Ayon naman kay Renato Reyes Bayan Secretary General ay maraming umaalma sa provision ng batas na ito sapagkat kwestyonable ang batas kaya’t mas marami pa ang maghahain ng kontra patungkol dito.
Ang mga nagsumite ng mga petisyon nila sa Korte Suprema ay grupo ng dating SC Associate Justice Antonio Carpio at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dalawang grupo pa ng mamahayag ang naghain din ng kani-kanilang petisyon.
Ang grupo nina Maria Ressa at Ces Doyo ay naghahanda ng petisyon ng Legal Assitance Group para kina Leila de Lima,Kiko Pangilinan, 2 framers at mga mambabatas.
Samantala ang grupong Nation Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ay nakiisa sa mga petisyon dahil sa hindi pa man pinatutupad ang batas ay dati na silang pinaghihinalaang komunista ng gobyerno.
Ukol naman sa samahan ng mga kabataan mula UP, Ateneo, La Salle, UST at iba pang kabataan sa eskuwela ay may pangamba na baka mapagkamalan silang terorista ng dahil sa kanilang mga adbokasiya.
Ayon naman sa mga abugadong muslim na dapat ay masiguradong ligtas ang batas at maayos ang pagpapatupad ng batas na ito
Tiyak na dadagsa pa ang tao na magpepetisyon sa batas na ito sa mga susunod na araw.