Share:

By Frances Pio

––

Isinagawa na ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng P1-billion Spark Samar Sports Development Complex sa Barangay Lagundi, Catbalogan City, Samar nitong Miyerkules, Hulyo 20.

Ang pasilidad ay may kabuuang seating capacity na 8,100 at itatayo sa 17-ektaryang lupain na pag-aari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Samar.

Mayroon itong inisyal na pondo na P185 milyon para sa taong ito mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).

Ang unang yugto ng proyekto ay kasama ang pagtatayo ng East Wing, na inaasahang may kapasidad na humigit-kumulang 4,200 na katao.

Bukod sa mga sports facility na itatayo sa 10-ektaryang lote, itatayo rin ang museo at arboretum, pabahay, commercial strip, at business process outsourcing hub.

Sinabi ni Samar Gov. Sharee Ann Tan na tatlong taon na ang nakararaan, sinimulan nila ang kanilang pagsasaliksik sa posibilidad ng isang sports complex sa Samar na maipagmamalaki nilang lahat.

“Architect William Ti Jr. of WTA Architecture and Design Studio delivered a top-notch design that complimented our Spark Samar Development Agenda, adding special elements from around the province that fit well into our plans,” sinabi ni Gov. Tan.

Idinagdag niya na ang complex ay magiging sentro para sa pagpapaunlad ng sports, kultura, at sining, at ito ay bukas para sa lahat ng Samarnon.

Si Samar Representative at dating Gov. Reynolds Michael Tan ay naglalayong makakuha ng karagdagang pondo sa 2023 upang makumpleto ang Phase 2 ng proyekto.

Leave a Reply