Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, Enero 25, sinabi ng Department of Health na hindi pa tumutugon ang Malacañang sa mungkahi ng ahensya na pahabain pa ang state of calamity sa bansa.

“No categorical and no official response to this request for the extension of the state of calamity,” anang officer-in-charge ng DOH na si Maria Rosario Vergeire sa isang media forum ng ahensya

Ito ay matapos tanungin ang opisyal kung may tugon na ba si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa rekomendasyon ng ahensya.

Sinabi rin niyang hindi direktang nabanggit na ni Marcos na nag-aalinlangan na siyang i-extend pa ang state of calamity sa bansa.

Naghahanda na aniya ang DOH sakaling hindi maaprubahan ng kanilang mungkahi.

“But indirectly, the President has already verbalized in one of his media outings that he is very hesitant to extend the state of calamity,” aniya.

“And coming from there, from his statement, we are already preparing in parallel so that we can still continue on with the other things we do for this response,” dagdag pa ni Vergeire.

Ipinaliwanag din niya na ang isinumite ng ahensya sa Malacañang ay sinagot sa pamamagitan ng isang pagpupulong noong Disyembre 23, 2022, kung saan napag-usapan ang mga implikasyon at mga pagpipilian sakaling hindi ma-extend ang state of calamity sa bansa.

Leave a Reply