Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ibinahagi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Edu Punay na nakapagbigay ng tulong ang pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Visayas at Mindanao, ayon sa Presidential Communications Office.

Nagkakahalagang P88 milyong tulong, cash, pagkain, at iba pang mga pangangailangan ng mga apektadong residente, ang naipaabot ng ng pamahalaan dahilan ang naging epektong dulot ng mga low pressure area.

P1.8 milyong indibidwal ang naitalang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa ilang mga lugar sa bansa kabilang ang Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.

Noong Sabado naman, nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ng dalawampung (20) bilang ng mga namatay dahil sa epekto ng mga low-pressure area at ng hanging amihan na nagdulot ng malalakas na pag-ulan.

Leave a Reply