By Christian Dee
MAYNILA – Noong Huwebes, Disyembre 1, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga bagong itinalagang ambassador ng bansa na pagyamanin ang pakikipagsosyo sa mga kalapit na bansa ng Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa Palasyo, sinabi ni Marcos ang pahayag na nabanggit, sa isang courtesy call ng mga bagong ambassador.
Giit ng pangulo na dapat isulong ng mga diplomat ang interes ng bansa at pagyamanin ang partnerships sa ibang mga bansa.
“Foster partnerships with all our neighbors,” aniya.
“And whether or not they are allies, whether or not they are friendly, nonetheless, it is very important that we continue to communicate, that we continue to engage, that we continue to have a way to explain what the Philippines is trying to do, how the Philippines sees its role in the community of nations,” ani Marcos sa kanyang mensahe.
Naniniwala rin si Marcos na mahalaga ring tumitingin at matapat ukol sa paghahanap ng oportunidad na maaring ikabuti ng bansa.
Sabi ng pangulo, mahalagang magkaroon ng kasosyo ang bansa habang sinusubukang makaalis sa sitwasyon ng ekonomiyang kinakaharap ng bansa bilang epekto ng problema sa Ukraine.
“When we endorse and assist the private sector in partnerships with whoever the investors from outside, that is also a good thing for us,” dagdag pa niya.
Binigyan-diin din ng pangulo na ang trabaho ng mga ambassador ay hindi na nakakulong sa diplomasya.
“This is something that we have to recognize now. And that is what, as I said, we look to our envoys to be able to achieve to one, consistently make known to all our friends, all our own partners, the position of the Philippines on all the aspects of the world discussion that we are all part of,” aniya.
“That’s why I think that probably is the newest feature of an envoy’s duties as I see. So that I see, well, it is a new world out there; we must adjust,” anang pangulo. “That’s why I think that probably is the newest feature of an envoy’s duties as I see. So that I see, well, it is a new world out there; we must adjust.”
Base sa pahayag ng Office of the Press Secretary, ang mga sumusunod ay ang mga bagong Filipino ambassadors:
- Ambassador Grace Tolentino Cruz-Fabella for the Argentine Republic
- Ambassador Jaime Victor Badillo Leda for the Kingdom of Belgium
- Ambassador Joseph Gerard Bacani Angeles for the Federative Republic of Brazil
- Ambassador Eduardo Martin Ramos Meñez for the Czech Republic
- Ambassador Gina Alagon Jamoralin for the Republic of Indonesia
- Ambassador Pedro Ramirez Laylo Jr. for the State of Israel
- Ambassador Nathaniel Garcia Imperial for the Italian Republic
- Ambassador Mylene De Joya Garcia-Albano for Japan
- Ambassador Wilfredo Cunanan Santos for the Hashemite Kingdom of Jordan
- Ambassador Lilybeth Rodriguez Deapera for the United Mexican States
- Ambassador Lilibeth Velasco Pono for the State of Qatar
- Ambassador Medardo Antonio Gonzales Macaraig for the Republic of Singapore
- Ambassador Alfonso Ferdinand Agbayani Ver for the United Arab Emirates.