Share:

By Frances Pio

––

Tinutulan ng isang mambabatas nitong Miyerkules ang panukalang magsampa ng buwis sa mga segunda-manong damit o ukay-ukay kapag ito ay legalized na, dahil sa posibleng epekto nito sa mga mamimili at nagbebenta.

Sinabi ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na ang panukala, na ginawa ni Sen. Raffy Tulfo kahapon, ay anti-poor dahil maraming Pilipino ang umaasa sa mga tindahan ng ukay-ukay para sa murang damit.

“Ang pagpapataw ng buwis dito ay magkakaroon ng epekto hindi lamang sa mga bumibili nito pero pati na rin sa mga maliliit na negosyante at online sellers na umaasa sa ukay-ukay para sa kanilang kabuhayan,” sinabi ni Brosas.

Nagbabala rin ang mambabatas na ang pagpapawalang-bisa sa Republic Act 4653, na nagbabawal sa komersyal na pag-aangkat ng ukay-ukay, ay maaaring higit pang magbukas sa Pilipinas sa “walang limitasyong” na pag-import at pagkaitan ng pagkakataong makabangon ang local garment industry.

“Buhayin at palakasin natin ang ating lokal na industriya upang hindi na umasa ang mamamayan sa second hand at makagawa pa ng mas maraming trabaho sa kabila ng krisis na ating kinakaharap,” ayon sa mambabatas.

Noong Martes, sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman Rep. Joey Salceda na kikilos sila para ipawalang-bisa ang batas na ipinatupad noong 1966.

Si Salceda, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱18 bilyon ang industriya ng ukay-ukay, ay nagsabing isasailalim nila ang mosyon para ipawalang-bisa ang RA 4653 at ilalagay ang mga pamantayan ng Department of Health.

“It’s time for the law to recognize what is real and legal to the ordinary Filipino anyway,” ayon kay Salceda.

Leave a Reply