By Frances Pio
––
Ang panukalang Special Committee on Nuclear Energy na iminungkahi ni Senior Deputy Majority Floor Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Alexander Marcos ay inaprubahan ng House of Representatives sa sesyon nito ngayong Martes.
Ang panukala mula kay Marcos ay inaprubahan ng Kamara sa pamamagitan ng viva voce o voice voting. Si Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco ang nahalal na pamunuan ang nasabing espesyal na komite.
“Madame Speaker, I move for the creation of the special committee on nuclear energy, with 25 members and with its jurisdiction as follows: all matters directly and principally relating to the policies and programs for the utilization and conservation of nuclear energy,” sinabi ni Marcos.
“Including the development of nuclear power infrastructures as well as the interaction of other energy sources with nuclear energy as a reliable, cost-competitive, and environment-friendly energy source to ensure energy security consistent with the national interest and the State’s policy of freedom from nuclear weapons,” dagdag pa niya.
Sa paglikha ng espesyal na komite, isinulong din si Marcos na amyendahan ang umiiral na sakop ng House committee on energy, at inaalis ang nuclear power sa mga isyu na maaari nitong harapin.
“In line with the creation of the special committee on nuclear energy, I move that we amend the jurisdiction of the committee on energy to read as follows: all matters directly and principally relating to the exploration, development, utilization, or conservation of energy resources including the development and utilization of alternative and renewable energy sources, and the entities involved in the power generation,” ika ni Marcos.
Si Cojuangco ay naging masugid na tagasuporta ng nuclear energy, na nagbigay ng privilege speech sa mga unang yugto ng 19th Congress upang pawiin ang pangamba na ang ganitong uri ng enerhiya ay mapanganib o disadvantageous sa mga Pilipino.
Ang nuclear energy ay isa rin sa mga focal point sa State of the Nation Address (Sona) na inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. — ama ni Rep. Marcos, na nagmungkahi ng komite.