Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Mabisang alternatibong transportasyon ang Pasig River Ferry para sa mga bumabiyahe sa Metro Manila, at para rin makaiwas sa haba ng trapiko.

Libre ang sakay para sa lahat ng mga pasaherong tumatawid sa Pasig, Mandaluyong, Makati, at Maynila.

Ayon sa isang ulat, mas magiging mabilis ang biyahe patungo sa tiyak na lugar na kabilang sa mga nasabing lungsod kung gagamitin ang Pasig River Ferry Service.

Kung tatanyahin, halos dalawang oras ang biyahe mula Guadalupe sa Makati hanggang Maynila. Dagdag pa rito kung aabutan ng rush hour at trapiko ang biyahe ng commuter.

Ayon kay Central Office Administrative Officer Irene Navera, kumpara ito sa ferry trip na aabot lamang ng halos isang oras, o 45 minutes hanggang 1 hour, na biyahe.

Kayang kargahan ang isang ferry ng 30 hanggang 50 katao kada biyahe.

Sinabi rin ni Navera na napakaganda nitong alternatibong transportasyon kung patungo sa Maynila at Mandaluyong, at kung estudyante at mga papunta sa trabaho.

Patuloy naman ang Metro Manila Development Authority at Department of Environment and Natural Resources, anang Pasig Ferry Service, sa paglilinis sa ilog Pasig kaya hindi naman nagiging suliranin sa pasahero ang amoy ng ilog.

Leave a Reply