Share:

By Frances Pio

––

Pinal na ang pagbubukas ng school year 2022-2023 sa Agosto 22 dahil inaprubahan na ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ni Education Secretary Vice President Sara Duterte nitong Huwebes.

Tumugon si Duterte sa mga panawagan na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase, partikular na mula sa Teachers Dignity Coalition upang bigyan ng mas maraming oras ang mga guro at mag-aaral na maghanda para sa face-to-face classes.

“Approved na po ito ng ating Pangulo and meron na po itong Department Order 34. So tutuloy na po tayo doon. ‘Yung pagbubukas ng school year natin ay na-approve na po ng Pangulo,” tugon ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na habang naghahanda ang mga paaralan sa full in-person classes, maaari silang magpatupad ng pinagsamang face-to-face classes at distance learning mula Agosto hanggang Oktubre 31.

Dapat magsimula ang full face-to-face classes sa Nobyembre 2, aniya.

Leave a Reply