Muling binubuksan ng National Telecommunications Commissions ang television at radio frequencies ng
ABS-CBN habang nasa ilalim pa ng pagaaral ang kaso sa likod ng prankisa nito.
Ipinahayag ng NTC na dahil sa di pagbibigay permiso sa franchise renewal ng kongreso sa ABS-CBN, lahat ng karapatan nito magpahayag sa telebisyon at radyo ay napawalang bisa.
Noong ika-4 ng Mayo nang nakatanggap ng cease and desist order ang network upang ihinto ang pagere dahil sa kawalan ng prankisa. Ngunit ayon sa kongreso, maari pa nila ito ipagpatuloy hanggat di pa natatapos ang proseso sa ginagawang franchise renewal.
Pagpasok ng Hulyo napagbotohan at naipanalo naman ng iilang mambabatas na tuluyan nang patigilin ang pagere ng ABS-CBN gamit ang ano mang plataporma.
Ayon sa iilang krtiko naka apekto sa pangyayaring ito ang isang kaganapan na umanoy laban sa Pangulong Duterte na itinatanggi naman ng Chief Executive.