Ngayong Sabado nagbigay ng pahayag ang OCTA research group na nais nilang patagalin ng isa pang linggo ang pagpapatupad ng ECQ sa mga nasasakupan ng “NCR PLUS” upang mabawasan ang pagkalat ng virus ng Covid19.
Karagdagang 15,000 na kaso muli ang naitala nitong Biyernes.
Ang tinatawag na R o reproduction rate ay umabot na ng 1.65. Sinasabing pag tumaas ito ng higit sa isa ay maaring malaki ang senyales na ito ay mapanganib na sa ekonomiya.
Ayon kay Professor Guido David hindi daw katumbas ng pagbaba ng mga kaso ang basehan sa tinatawag na “R” o reproduction rate.
Kung ipagpapatuloy umano ang ECQ maari itong bumaba pa hanggang 1.33
Sa ngayon ang nais nila ay bumama ang R upang makatulong sa mga ospital na tumanggap muli ng mga pasyente.