Share:

MAYNILA – Ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes sa publiko na iwasan muna ang paggamit ng mga paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Huwag muna tayong magpaputok at alam naman natin kung minsan delikado ‘yan. Lalo ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,” ani Marcos sa mga mamamayahag habang nasa gift-giving caravan sa Rizal Park sa Maynila.

Mungkahi naman niya sa lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa, magkaroon na lamang ng magandang fireworks display para sa kanilang mga “constituents”.

I will enjoin the LGUs, instead of allowing our people to have their own firecrackers, gumawa na lang kayo ng magandang fireworks display para sa inyong mga constituent,” anang pangulo.

Ito ay kasabay ng kanyang panawagan sa mga local government units (LGUs) na mag-set up ng lugar para sa pagdarausan ng fireworks display na naglalayong protektahan ang mga Pilipino mula sa disgrasya habang nagdiriwang ng Bagong Taon.

Leave a Reply