By Christian Dee
MAYNILA – Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungong Thailand upang lumahok sa ika-29 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders Meeting.
Apat na araw ang nakalaan para sa naturang pagpupulong na gaganapin simula Nobyembre 16 hanggang 19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, isusulong ng pangulo ang seguridad sa pagkain at enerhiya, pati ang climate change mitigation sa nasabing APEC meeting.
Makakasama rin ni Marcos ang ilan pang mga pinuno sa mundo at magkakaroon din ng bilateral discussion kasama ang iba pang mga lider ng estado.
Ang dadaluhang pagpupulong ni Marcos ay unang beses niyang malalahukan bilang pangulo. Ito rin ang unang beses na gaganapin sa personal simula noong 2018.