Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nagsimula na ngayong araw, Marso 6, ang inaasahang isang linggong tigil-pasada ngunit ayon sa Malacañang, nabigo ang mga transport groups na magambala ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila at sa mga kalapit na lugar nito.

Ayon sa Presidential Communications Office, sinabi ng mga opisyal sa isang briefing na isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority na nabigong magdulot ng malaking pagkagambala ang mga nag-protesta dahil nakatutok lamang ito sa Metro Manila.

Bigo rin ang mga ito na makakuha ng malaking suporta sa rehiyon at base sa ulat ng inter-agency task force monitoring team, ilang ruta lamang ang naapektuhan ng strike.

Umabot lamang sa hindi lalampas 500 ang bilang ng mga nakiisa sa protesta, ayon sa Palasyo.

“Although there were reports of harassments against drivers of public utilities not participating in the strike, police responded well to those harassment cases and has also improved police visibility to ensure public safety and order,” anang PCO.

Normal naman daw ang naging operasyon ng EDSA Busway carousel kaninang alas-1:30 ng hapon, ayon sa naturang tanggapan.

Wala ring mga aktibidad na binantayan kaugnay ang tigil-pasada sa lalawigan ng Cavite at Rizal.

Leave a Reply