Share:

By Jude Sagun

––

Lawyer Vince M. Tañada accepts the best picture trophy for the movie ‘Katips.’ (Facebook)

Mas lalo pang umiingay ang napipintong tapatan ng dalawang martial law films matapos na umani ng pitong parangal ang pelikulang ‘Katips’ sa 70th FAMAS Awards na ginanap sa Metropolitan Theatre nitong Sabado. 

Tatapatan ng pelikula sa mga sinehan sa Agosto 3, ang ‘Maid in Malacañang’ ng Viva Films na base naman sa perspektibo ng pamilya Marcos noong 1986 Edsa People Power Revolution. 

Ang Musical movie ng Philstagers Films na ‘Katips’ ay hango sa paghihirap na dinanas mga Pilipino habang naiipit sa giriian ng Marcos at Aquino sa panahon ng Martial Law. 

Inilunsad ang kwento nito sa teatro, at pinarangalan bilang Best Musical Performance sa ALIW Awards noong 2016. Plano sana ng produksyon na ipalabas ang movie version noong Metro Manila Film Festival 2021, ngunit bigo itong makapasok sa ‘Final list of Entries.’ 

Pag-amin ng direktor at aktor ng pelikulang na si Atty. Vince Tañada, sadya niyang tinapat ito ngayon sa pelikula ng mga Marcos para ipakita ang mga karanasan ng ordinaryong mamamayang Pilipino habang nasa ilalim pa ang bansa ng diktadura ni Ferdinand Marcos Sr. 

“We are being challenged by Maid in Malacañang that’s why Direk Joel Lamangan reacted and said he will also do a movie to show what happened during Martial Law. Pero siya gagawa pa lang but I already have a finished film and I am going to show it so that the people will see a different side of the story,” ani Tañada.

“If the Marcos family is saying that the movie is how they felt before being exiled to Hawaii, this is the story of how we felt when they were still in power,” dagdag nito. 

Pero paglilinaw ni Tañada, hindi anti-Marcos Film ang ‘Katips,’ at willing siyang ipanood ito kay Senadora Imee Marcos, na siyang nagsisilbing consultant ng ‘Maid in Malacañang.’

Wagi ang Katips ng 7 awards kabilang ng ‘Best Picture,’ at ‘Best’ actor and director para kay Tañada. 

Samantala ginawaran naman ng Exemplary Awardee in Public Service si Senadora Marcos. 

Narito ang buong resulta ng isinagawang 70th FAMAS Awards. 

  • Best Picture – Katips
  • Best Actress – Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon)
  • Best Actor – Vince Tañada (Katips)
  • Best Supporting Actress – Janice de Belen (Big Night)
  • Best Supporting Actor – Johnrey Rivas (Katips)
  • Best Director – Vince Tañada (Katips)
  • Best Screenplay – Jun Lana (Big Night)
  • Best Cinematography – Katips
  • Best Editing – A Hard Day
  • Best Original Song – Sa Gitna Ng Gulo (Katips)
  • Best Musical Score – Katips
  • Best Sound – A Hard Day
  • Best Visual Effects – My Amanda

FAMAS Special Awards

  • FAMAS Natatanging Alagad ng Sining – Nora Aunor
  • FAMAS Natatanging Alagad ng Sining – Ricky Lee
  • German Moreno Youth Achievement Award – Ranz Kyle Niana Guerrero
  • Lifetime Achievement Awardee – Tessie Agana
  • FPJ Memorial Awardee – Jinggoy Estrada
  • Susan Roces Celebrity Awardee – Nora Aunor
  • Don Jose R. Perez Memorial Awardee – Moira Lang
  • Exemplary Awardee in Public Service – Sen. Imee Marcos
  • Hall of Fame for Best Actor – Allen Dizon
  • Hall of Fame for Best Editing – Jess Navarro
  • 1st Outstanding Public Sevice Award – Cong. Christopher de Venecia
  • 2nd Outstanding Public Sevice Award – Dr. Edinell Calvario
  • FAMAS Presidential Award – Cong. PM Vargas
  • Angelo “Eloy” Padua Memorial Award for Journalism – Renz Spangler

Leave a Reply