Ang Pepsi Cola Products Philippines Inc.(PCPPI) ay nagsabing ang kanilang mga planta ay gagamit na ng solar power para mabawasan ang pag-asa nito sa grid electricity na mula sa fossil fuel. Sa kanilang kontrata sa SunSource Energy na isang Indian Based Company. Ilalagay ang mga solar panel sa mga planta sa Batangad, Cebu, at Davao.
Kanilang ninanais na mabawasan nang tatlong-pung persyento ang kanilang paggamit ng electricity mula sa fossil fuel. Ayon kay PCPPI President at CEO Frederick D. Ong, ang pagpapalit ng energy source ng kanilang planta ay hindi lang para mabawasan ang kanilang gastos ngunit para sa rin positibong resulta sa kalikasan at pagbawas ng carbon footprint.
Inaasahang matatapos ang installation sa kataposan ng taon. Mauuna ang tatlong planta sa paglipat sa solar power. Kanilang plano na lahat ng kanilang labing-dalawang planta ay malagyan ng solar panels.