Humingi ng paumanhin ang Petron Corporation pagkatapos maging dahilan ng mabigat na trapik and 50% off promo nito noong Martes.
Ang discount ay ibinahagi sa mga Petron gas stations simula alas onse ng umaga hanggang ala una ng hapon, na may may minimum purchase na isang litro.
Habang napagkalooban ang mga loyal customers ng holiday discount, naging malaking perwisyo naman ito sa mga ibang motorista dahil sa mahabang pila.
Sa isang pahayag sa social media, humingi ng paumanhin ang kumpanya sa naidulot nitong abala.
Pinasalamatan naman ng Petron ang mga MMDA at ibang lokal na pamahalaang tumulong para maisaayos ang sitwasyon ng trapik sa mga gas stations.