Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nagtakda na ng petsa ng face-to-face oathtaking para sa mga bagong civil engineers ang Philippine Regulation Commission, ayon sa kanilang anunsyo nitong Miyerkoles, Disyembre 7.

Base sa ipinaskil ng PRC, gaganapin ang in-person oathtaking sa darating na Disyembre 22, alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon, sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center sa Vicente Sotto St., lungsod ng Pasay.

Ang unang session, alas-9 ng umaga hanggang alas-10:30 ng umaga ay para lamang sa mga pumasa na ang apelyido ay nagsisimula sa letrang A-D.

1:00 p.m. hanggang 2:30 p.m. naman nakatakdang isalang ang mga pumasa na nasa E-M ang simulang letra ng kanilang apelyido para sa ikalawang session habang ang huling session naman ay nakatakdang simulan sa hapon, 4:30 p.m. hanggang 6:00 p.m. para sa mga pumasa na ang apelyido ay nagsisimula sa N-Z.

Abiso ng PRC na ang mga pumasa na interesadong dumalo sa face-to-face mass oathtaking ay dapat makapagrehistro sa http://online.prc.gov.ph ang mga dadalo bago ang 12:00 ng tanghali, bago ang petsa ng oathtaking, para makumpirma ang kanilang pagdalo.

Saad ng komisyon, lahat ng mga dadalo ay dapat magdala ng kahit ano sa mga sumusunod sa mismong araw ng oathtaking:

  • Vaccination Card
  • Negative RT-PCR results na nakuha sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking

It is advised that inductees register and confirm their attendance in the regions where they took their licensure examination and intend to register as professionals. Those who will not be able to attend the scheduled face-to-face mass oathtaking may attend the online oathtaking or request for a special oathtaking,” anang PRC.

After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph, starting January 30-31, February 1-3, February 6-10, and February 13-15, 2023.,” dagdag ng PRC.

Leave a Reply