Share:

By Frances Pio

––

Nasungkit ng Philippine rowing team ang tatlong bronze medals sa men’s lightweight coxless four at men’s at women’s lightweight quadruple sculls sa 31st Southeast Asian Games nitong Biyernes sa Thuy Nguyen Hai Phong Aquatics Center sa Vietnam.

Pumangatlo sina Edgar Ilas, Roque Abala Jr., Zuriel Sukintac, at Joachim de Jesus sa men’s lightweight coxless, na nagtala ng 7:00.117.

Nakuha ng Indonesia ang ginto na may pinakamahusay na oras na 6:47.729, habang pumangalawa ang Vietnam sa 6:52.879.

Samantala, pumangatlo rin ang Philippine women’s rowing team sa women’s lightweight quadruple sculls.

Sina Joanie Delgaco, Kharl Julianne Sha Bengco, Feiza Jane Lenton, at Alyssa Hannah Go ay nagtala ng 7:30.148 para sa bronze medal. Ang home team na Vietnam ang pinakamabilis na nagtala ng 7:11.326, habang nakuha ng Indonesia ang pilak sa 7:18.388.

Naihatid din ng men’s national rowing team ang bronze sa men’s lightweight quadruple sculls nang pumangatlo sina Athens Tolentino, Adrian Maxilom, CJ Jasmin at Emmanuel Joseph Obana sa oras na 6:46.841.

Pinangunahan ng Indonesia ang paligsahan, na nagtala ng 6:28.399 habang ang Vietnam ay nailagay bilang runner-up na may 6:34.444.

Leave a Reply