By Christian Dee
MAYNILA – Ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang isang larawan kasama ang kanyang kasintahan na si Jeremey Jauncey nang salubungin nila nang magkasama ang pagpasok ng Bagong Taon sa Scotland.
Anang beauty queen, espesyal para sa kanilang magkasintahan ang huling araw ng taong 2022 dahil ito rin ang kanilang anibersaryo.
Dagdag pa rito, sinabi rin ni Wurtzbach na gusto nilang magplano para sa taong ito.
“The last day of the year is always special for us. It’s our anniversary plus we love goal planning for the year ahead and reflecting on the year that has passed,” saad ni Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram post.
Ito ang kanilang unang beses na makapunta sa Scotland nang magkasama.
“This year was our first together in the highlands of Scotland and it was the perfect way to bring in 2023!” dagdag pa ng beauty queen.