Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes, upang maalis ang mga pagdududa sa panukalang Charter Change (Cha-cha), maaaring ganapin kasama ang halalan sa 2022 ang plebisito para sa mga pagbabago sa ekonomiya sa Konstitusyon.
Ang pagsasagawa ng plebesito ng Cha-cha ay plano ng ating kongreso kasabay ng pambansang halalan sa susunod na taon ay matitiyak na walang term extension para sa mga mambabatas, sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa Telebisyon ng Laging Handa Public Briefing.
Ayun sa opisyal ng DILG na ang ipinanukalang pagbabago sa Konstitusyonal ay ang pagpasok ng”One liner Phrase “na maaaring ibigay ng batas” upang payagan ang Kongreso na baguhin ang mahigpit na mga probisyon ng Konstitusyon.Isa na dito ang kalakal, pagmamay-ari ng dayuhan, at iba pang mga pang-ekonomiyang alalahanin.
Ang pagbabago ng charter ay nakatakdang ipagpatuloy ng Kongreso sa buwan na ito at ang debate ay nakatuon sa “mahigpit” na mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon.
May ilang pagtatanong na “tiyempo” di umano sa kasalukuyang pagtulak para sa Cha-cha habang ang bansa ay nakikipagtalo pa rin sa pandemikong Covid-19.
Ngunit agad naman itong dinipensahan ni Malaya. Ayun sa kanya ang “tiyempo” ay hindi dapat maging isyu laban sa administrasyon. Sa katunayan nabanggit at nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na itutulak ang mga susog sa 1987 Konstitusyon mula sa simula ng kanyang termino.
Bago pa man magsumite ang Presidente ng kanyang sertipiko ng kandidatura, talaga naman pong nasa listahan ng mga ito. At maliwanag na naman na gusto niyang amiyendahan ang ating Saligang Batas,” aniya.