Share:

By Frances Pio

––

Tinitignan ng Philippine National Oil Company (PNOC) ang posibilidad na magbigay ng isang targeted fuel relief program dahil sa tumataas na halaga ng gasolina.

Ipinaliwanag ni PNOC President Jesus Cristino Posadas nitong Miyerkules na ang bagong targeted fuel relief initiative ng kumpanya ay magbibigay ng mga diskwento sa mga motorista na pinakaapektado ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

“We intend this not to be a dole out but to be a sustainable fund that’s why we’re looking at making it a revolving fund,” sinabi ni Posadas sa pagdinig ng Senate Committee on Energy.

“The whole idea is for us to be able to provide a sustainable social protection to the affected sector like for example, public transport can be the farmers, and fisherfolk that will be identified by the DA, for example,” paliwanag niya.

Nang tanungin kung paano maiiba ang planong diskwento sa gasolina sa programang Pantawid Pasada, sinabi ni Posadas na magbibigay ito ng higit na diin sa mga diskwento para sa langis.

Ibinibigay ang mga fuel subsidy card sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pasada program.

“The difference is that we are doing it in terms of discounted fuel rather than in terms of money,” sinabi ni Posadas.

Dagdag pa niya, pinaplano nilang bumili ng gasolina sa ber months at ipamahagi ito sa dalawang paraan.

“We will be designating specific service stations. In fact, there will be two modes of doing this: Either government will do the importation itself and get a third party to distribute, or we will co-load and co-purchase with a given oil company and it will be a package deal including the distribution activity, in partnership of course with the industry players,” ika niya.

Nitong linggo, inihayag ng mga kumpanya ng langis ang malaking pagtaas sa presyo ng diesel, gasolina, at kerosene.

Leave a Reply