Share:

By Frances Pio

––

Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-3 (Central Luzon) Director Police Brig. Gen. Matthew P. Baccay noong Biyernes, Hunyo 10, na isinasagawa ang imbestigasyon para alamin ang katotohanan sa pag-aresto sa 100 magsasaka sa isang taniman ng tubo sa Concepcion, Tarlac noong Huwebes, Hunyo 9.

Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-9 ng umaga, sina Felino Cunanan Jr., 63; Chino Cunanan, 34; Abigail Bucad, 36, at Sonny Dimarucut, 45, pawang mga residente ng Barangay Tinang, Concepcion; Sonny Magcalas, 58, ng Sto. Niño, Concepcion; Pia Montalan, 39, ng Tarlac City; at Alvin Dimarucut, 36, ng San Vicente, Tarlac City, kasama ang mahigit 90 indibidwal na may dalang mga rotovator, ay dumating at giniba ang taniman ng tubo na pag-aari ng Agriculture Cooperative sa Barangay Tinang.

Ang mga rumespondeng tauhan mula sa Concepcion Police, Philippine National Police-Special Action Force, 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company, Tarlac Provincial Police Office-Intelligence Branch, 3rd Mechanized Infantry Battalion, Armored Division, Philippine Army, at Naval Intelligence and Security Group-Northern Luzon ay sinubukan na pigilan ang mga magsasaka na lalong sirain ang plantasyon ngunit naging hindi masunurin at pinigilan ang mga alagad ng batas na gampanan ang kanilang mga opisyal na tungkulin.

Inaresto sila ng mga awtoridad dahil sa malicious mischief at obstruction of justice.

Leave a Reply