Share:

By Frances Pio

––

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) noong Huwebes na ipatutupad nito ang “maximum restraint and tolerance” para sa mga nagsasagawa ng mga rally patungkol sa katatapos lang na pambansa at lokal na halalan.

Ayon kay National Police Spokesperson Col. Jean Fajardo, ito ay direktiba ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Vicente Danao.

“Nagbigay na ng instruction ‘yung ating OIC, si Police Lieutenant General Vicente Danao, na ang mga magbabantay para dito sa mga gagawing mga protesta ay to exercise maximum restraint and tolerance,” ika niya.

Habang nananawagan ang PNP sa publiko na igalang ang boto ng nakararaming Pilipino, sinabi ni Fajardo na iginagalang ng institusyon ang karapatan ng mga Pilipino na ipahayag ang kanilang mga damdamin sa katatapos na botohan.

“Karapatan nila yan na sila ay magsagawa ng kanilang mga kilos-protesta. On the part of the PNP ay maglalatag tayo ng seguridad diyan para din sa proteksiyon ng mga magra-rally and then, at the same time [ay] para na rin i-manage ‘yung traffic and ‘yung hindi maantala ‘yung iba nating mga kababayan na dadaan sa mga lugar na yan,” ayon kay Fajardo.

Leave a Reply