Share:

by Jude Sagun

––

Hindi nakapagpigil ang komendyanteng si Pokwang na punahin ang aktres na si Ella Cruz matapos nitong sabihing “history is like tsismis.”

Sa tweet ni Pokwang, inalala nito ang dating pinagsamahan nilang teleserye ni Ella na ‘Aryana.’ Gumanap siya bilang si Ofelia, ina ng bidang sirena na ginampanan ni Ella.

Giit ni Pokwang, mali ang naging pananaw ng batang aktres ayon sa ‘history.’

“Nak, Ella Cruz, tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali,” sinabi ni Pokwang.

“Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana,” dagdag nito.

2012 nang ipalabas ang teleseryeng Aryana kung saan umikot ang kwento tungkol sa pag-aalaga ni Ofelia sa anak na dalaga na isinumpang maging sirena.

Hanggang ngayon, nanahimik pa rin si Ella sa kabila ng samu’t-saring kritisismo at bashing sa kanyang naging pahayag.

Una na ring ipinagtanggol ng direktor ng pelikulang ‘Maid in Malacañang’ na si Darryl Yap ang aktres, anya’y wala namang masamang kahulugan ang sinabi ni Ella.

“Nakita mo naman Ella Cruz; basta’t may pwede silang sakyang isyu, kahit wala namang masamang kahulugan, gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya para imisinterpret ka at palakihin para mahawa ng relevance,” saad ni Yap.

Ngunit giit ng Filipino Historian na si Ambeth Ocampo, totoo ang ‘History.’

“Don’t confuse History and chismis. History may have bias but it is based on fact and opinion. Real History is about Truth not lies, not fiction.” Saad nito.

Leave a Reply