Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Pinaplano ng Bureau of Customs (BOC) na gawing logistics hub o alternatibong sentrong pangkalakalan sa Southeast Asia ang daungan sa Davao.

Ayon sa ahensya, inanunsyo ito ni BOC Port of Davao District Collector Erastus Austria noong bumisita ang isang ambassador mula sa Singapore na si Gerard Ho.

Naaayon ani Austria sa planong iminungkahi ng National Economic and Development Authority sa Region XI na i-update ang Davao Gulf Development Plan (DGDP) of 2013.

“The 2013 proposal seeks to advance the Davao Region as a ‘rising global frontier.’ It outlines how agencies can work together to realize it under President Ferdinand Marcos Jr.’s 8-point economic plan,” sabi ng BOC sa isang pahayag.

Nangako naman ang nasabing kawani na ipagpapatuloy nito ang pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensya na nakatuon sa pagpapadali ng kalakalan.

Nais nitong palakasin ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon ng Davao at pagbutihin ang pangongolekta ng kita.

Leave a Reply