By Frances Pio
––
Itinalaga ang Permanenteng Kinatawan sa United Nations na si Enrique Manalo nitong Biyernes bilang bagong secretary of Foreign Affairs ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nanumpa si Manalo, isang career diplomat, sa harap ni Marcos sa Malacañang nitong Biyernes, na pinalitan si dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
“Yes it is confirmed. But he asked for a few days to wind up affairs in his previous post,”
sinabi ni Atty. Trixie Cruz-Angele.
Hindi na ito bago kay Manalo, na pansamantalang nagsilbi bilang acting secretary ng Department of Foreign Affairs nang ang ad-interim appointment ng yumaong Perfecto Yasay Jr. ay tinanggihan ng Commission on Appointments noong 2017.
Noong 2020, itinalaga siya ni dating pangulong Rodrigo Duterte bilang Permanent Representative ng Pilipinas sa United Nations.
Dati ring nagsilbi si Manalo bilang undersecretary for policy ng Department of Foreign Affairs sa ilalim ni Duterte at panandalian sa ilalim ng yumaong Pangulong Benigno Aquino III.
Pres. Marcos itinalaga si Enrique Manalo bilang DFA Secretary