By Christian Dee
MAYNILA – Habang papalapit na ang paggunita sa Panagbenga Festival at sa Valentine’s Day, tumaas na rin ang presyo ng mga bulaklak sa Baguio City simula noong nakaraang linggo.
Ang presyo ng rosas, nasa P350 hanggang P700 na ngayon, na dati ay mula P150 hanggang P200 kada dosena.
Nasa P100 hanggang P150 na ang bentahan kada dosena ng Malaysian Mums, na dating P40 hanggang P60.
Mga presyo ng iba pang mga bulaklak:
- Aster – P100 hanggang P150 kada bundle (dating P35 – P50/bundle)
- Anthurium – P100 kada dosena (dating P50 – P70/dozen)
Ayon sa isang nagtitinda, walang bumibili at marami ang naitatatapong mga bulaklak kaya nalulugi ang negosyo dahil din mataas ang presyo ng bulaklak.
Kaugnay nito ay maraming mga inireserba para sa Panagbenga Festival at Valentine’s Day, pati na rin ang hirap sa pamumukadkad ng mga bulaklak dahil sa lamig sa lugar.
Pagdating ng Pebrero, inaasahan pa lalo ang pagtaas ng presyo ng mga bulaklak.