Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Base sa monitoring ng Department of Agriculture, bumaba na ang presyo ng sibuyas sa ilang mga palengke sa Metro Manila.

Nasa P400-P700 na kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas ayon sa pagbabantay ng ahensya.

Mayroon pa ring mga nasa P600 ang bentahan ng sibuyas kada kilo na siyang stock umano ng mga nagtitinda, dahilan ang presyo nito noong nakaraan,

Bagama’t bumaba na sa P400 ang presyo ng sibuyas kada kilo na binebenta ng isang tindera sa Mega Q Mart sa Quezon City, matumal pa rin ang pagbili ng mga consumer nito.

Anang nagtitinda, hindi sila kumukuha ng maraming suplay ng sibuyas dahil natatakot umano ito na bumagsak ang presyo nito.

“Baka tumitiyempo lang sila,” sabi ng nagtitinda.

Matatandaang nagpataw kamakailan ang DA ng suggested retail price para sa kada kilo ng sibuyas na P250.

Leave a Reply