Muli nang papayagan na makabiyahe ang mga provincial bus ayon sa Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra patuloy parin ang kanilang pakikipagusap sa mga LGU patungkol sa pagpasok ng mga bus sa kanikanilang probinsya.
Ayon pa sa kaniya ay 4 pa lamang sa 81 na probinsya ang pumapayag na makapasok sa kanilang lugar ang mga bus mula sa Metro Manila. Kabilang sa mga pumayag ang Antique, Quirino at Bataan.
“Marami po sa kanila ang ayaw pa magbukas ng borders lalo na doon sa mga ruta na manggagaling ng Metro Manila,” ani ni Delgra.
Ayon din kay LTFRB National Capital Region Director Atty, Zona Russet Tamayo ay maaari nang magsimula ang pagbyahe ng bus sa mga susunod na linggo. Magpapasimula ito di umano sa mga probinsya na malapit lamang sa Metro Manila.
Magpapanukala pa rin naman ng iba’t ibang patakaran bago makasakay sa bus at makabyahe sa ibang lugar, ito ay ang pagkakaroon dapat ng Travel clearance, Clearance mula sa Phillippine National Police at government ID.
Katulad ng jeep, ay kalahati lamang ng kapasidad nito ang maaaring ukupahin ng mga tao upang mapanatili ang social distancing at maiwasan ang patuloy na pagkalat ng Virus.