Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Huwebes, Disyembre 1, nang aksidenteng maiputok ni Staff Sergeant Joel Ramos ang kanyang baril sa loob ng isang kampo ng Philippine National Police sa Laguna.

Ayon sa ulat ng pulisya ng Region 4, naka-assign sa Camp Vicente Lim sa Calamba si Ramos nang aksidenteng ma-discharge ang baril nito, bandang alas-8:00 ng umaga, habang nasa inspeksyon ng mga baril.

Wala namang natamaan mula sa balang aksidenteng lumabas mula sa baril.

Kinumpiska na rin ng mga awtoridad ang baril ng outgoing duty guard nang mangyari ang insidente, at inilagay si Ramos sa barracks ng kampo habang iniimbestigahan.

Leave a Reply