Share:

Binigyang diin ng Malacañang ngayong lunes ang kahalagahan ng muling pagbukas ng ekonomiya at hayaang bumalik ang mga Pilipino sa trabaho matapos maitala ng Social Weather Stations (SWS) ang pinakamataas na insidente ng pagkagutom sa bansa ngayong taon mula pa noong 2014.

Ang pinakahuling survey ng SWS ay nagpapakita na ilang pamilya sa 7.6 milyon ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.

“Nakakalungkot ang balitang yan bagamat halos sigurado ako na yan po’y dahil sa pandemya na nagsasara tayo ng ekonomiya,” sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque sa panayam sa Teleradyo.

“Ang garantiya talaga na mapapababa natin ang bilang ng nagugutom, [ay] buksan ang ekonomiya nang mas marami ang makapaghanapbuhay dahil ang ayuda, alam naman po natin, temporary lang yan,” dagdag niya.

Ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay lumagpas na sa 300,000 na may higit na 5,300 ang namatay at higit sa 250,000 ang mga gumaling.

Ang naitala na mataas na insidente ng pagkagutom ay nagsimula na habang ang bansa ay malapit na sa ikapitong buwan ng community quarantine.

Gayunpaman, ayon kay Roque magpapatuloy ang gobyerno sa pag-abot ng tulong sa publiko sa pamamagitan ng iba`t ibang mga programa sa ilalim ng naipasang Bayanihan to Recover As One Act o kilala sa tawag na Bayanihan 2.

Leave a Reply