Share:

Naghain ng kandidatura si Mayor Francis Zamora ng San Juan City para tumakbo muli bilang alkalde ng lungsod. Nagnanais si Zamora na manalo muli para magsilbi ng kanyang ikalawang termino.

Tatakbo naman sa ilalim ng ticket ni Mayor Zamora bilang mga konsehal ang mga personalidad na sina James Yap, Don Allado at Paul Artadi, na mga dating PBA players. Kasama rin sa ticket ang negosyateng si Macky Mathay at actor na si Ervic Vijandre.

Noong 2019, unang nanalo si Zamora sa pagka-alkalde ng lungsod nang matalo niya si Janella Ejercito Estrada na anak ng dating senador na si Jinggoy Estrada.

Leave a Reply