Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ng isang mambabatas mula sa 2nd District ng Albay na si Rep. Joey Salceda nitong Biyernes, Enero 20, na inaasahang bababa sa P50 ang presyo ng sibuyas mula sa P600 kada kilo.

“It will fall to 50 pesos, it’s natural price,” ani Salceda sa isang panayam sa “Headstart” ng ABS-CBN News Channel.

Aniya, lahat ay babalik din sa normal.

“You can cut all my 5 fingers if it doesn’t go back 50 pesos,” pagbibigay kasiguruhan ng mambabatas.

Matatandaang pumalo noong holiday season sa P700 ang presyo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Giit ng representante, na ang nasa likod ng mataas na presyo nito sa Pilipinas ay ang mga kartel. Aniya, pagpasok sa bansa, mayroong mga mafia na silang may kontrol sa mga pantalan.

“So pumunta ka diyan sa Subic, I can tell you at least there are about 50 containers filled with onions… delivered little by little,” aniya.

Isa rin sa sinabi ni Salceda kung bakit mataas ang presyo ng sibuyas ay ang produktibidad ng agrikultura.

Leave a Reply